Naghihingalong bagong silang na sanggol na natagpuan sa basurahan sa NAIA, ligtas na

By Mariel Cruz July 03, 2017 - 10:58 PM

 

 

Nailigtas ang buhay ng isang bagong silang na sanggol na natagpuang nag-aagaw buhay sa isa sa mga banyo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Sa ulat ng Manila International Airport Authority (MIAA), sinabi ni Dr. Lorena Purisima na dinala ang sanggol sa kanilang clinic pasado alas onse ng umaga ng Lunes.

Natagpuan aniya ng airport attendant na si Maricel Guliman ang nasabing sanggol sa basurahan sa isa sa mga banyo ng west arrival curbside section ng NAIA.

Sinabi ni Guliman na naghinala na siya sa isang babae na pumasok sa banyo dahil natagalan bago ito lumabas sa cubicle ng banyo.

Nang umalis na aniya ang nasabing babae, dito na niya nadiskubre na punung-puno na ng dugo ang sahig ng cubicle, at ang naghihingalong sangggol ay nasa loob ng basurahan.

Paliwanag ni Dr. Purisima, kulay asul na ang sanggol simula sa leeg nito hanggang sa ulo, nahihirapan nang huminga, at mabagal na ang heart beat nang dahil sa clinic ng MIAA.

Tumagal ng tatlumpung minuto ang ginawa resuscitation sanggol bago tuluyang maging normal ang kondisyon nito.

Matapos nito ay agad na dinala ang sanggol sa Pasay City General Hospital para obserbahan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.