“Task Force Bangon Marawi” binuo na ni Duterte

By Chona Yu July 03, 2017 - 03:33 PM

Inquirer file photo

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte at hawak na ngayon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang Administrative Order number 3 na magtatatag ng inter- agency task force para makabangon na ang Marawi City sa gitna ng nagaganap na giyera sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng teroristang Maute group.

Sa Mindanao Hour sa Malacañang, sinabi ni Lorenzana na siya ang magsisilbing chairperson ng nilikhang task force na tatawaging Task Force Bangon Marawi.

Paliwanag ni Lorenzana, bilang pinuno rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, gagamitin niya ang ahensiya bilang behikulo sa gagawing rehabilitasyon dahil maaaring namang ikunsidera ang nangyari sa Marawi bilang disaster.

Kaugnay nitoy inihayag ng kalihim na agad nilang ihahanda ang mga kakailanganing mekanismo para sa rehabilitasyon ng nawasak na lunsod at itoy sa sandaling magwakas na ang labanan.

Tiniyak naman ni Lorenzana na hindi mapupulitika ang ikinakasang pagbangon ng lunsod sa pagsasabing wala namang siyang ambisyong pulitikal.

TAGS: DND, duterte, lorenzana, marawi, rahabilitation plan, DND, duterte, lorenzana, marawi, rahabilitation plan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.