Posibleng pagkulungan kay Gov. Imee Marcos sa Kamara, ipinasilip sa media

By Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon July 03, 2017 - 12:54 PM

Kuha ni Erwin Aguilon

Ipinakita sa media ni Surigao Del Sur Rep. Johnny Pimentel ang lugar sa kamara kung saan posibleng i-detain si Ilocos Norte Governor Imee Marcos sakaling mabigo pa rin siyang sumipot sa pagdinig hinggil sa irregular umanong pagbili ng milyon-milyong pisong halaga ng mga sasakyan ng lalawigan.

Tinawag ni Pimentel na siyang chairman ng House good government and public accountability committee ang nasabing lugar bilang “hypothetical” detention room dahil wala pa naman aniyang arrest warrant laban sa gobernadora.

Kuha ni Erwin Aguilon

Ang kwarto ay mayroong folding bed, maliit na lamesa, at silya at may sarili din namang banyo.

Ani Pimentel, mas mabuting dumalo na si Marcos sa pagdinig para hindi na dumating sa punto na kakailanganin pang mag-isyu ng show-cause order ng kamara.

Ang detention facility ay mayroong access sa Wi-Fi kaya pwedeng makagamit ng laptop at iba pang gadgets ang gobernadora.

Tiniyak din ni Pimentel na hindi naman sila magiging mahigpit kay Marcos sakaling ikulong sya sa Batasan Complex.

Batay sa house rules maaaring tumanggap ng sinumang bisita ang isang detainee mula 8:00 nang umaga hanggang 5:00 nang hapon.

Papayagan rin ang paggamit ng cellphone, TV, DVD at WiFi kaya sakaling makulong si Marcos ay magagampanan niya pa rin ang kaniyang tungkulin bilang gobernadora.

Malaya ring makakapagdiwang ng kaarawan o iba pang okasyon ang isang preso o kamag-anak nito.

Sa katunayan, sinabi ni House Sergeant-at-arms Roland Detabali na pinayagan nilang magsagawa ng birthday party noong nakaraang linggo ang asawa ng isa sa tinaguriang Ilocos Norte 6 na si Josephine Calajate.

 

 

 

 

TAGS: detention, House of Representatives, Imee Marcos, detention, House of Representatives, Imee Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.