Ilang buntis na nasa evacuation centers sa Iligan, nakararanas ng malnutrisyon
Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng mga severely malnourished na mga buntis sa mga evacuation centers sa Iligan City, Lanao del Norte.
Ayon sa DOH, sa limamput’tatlong mga naitalang buntis ay dalawa sa mga ito ang mahina ang lagay ng kalusugan.
Kasabay naman ng ika-40 araw na ng krisis sa Marawi, inihayag ng DOH Region-10 Nutrition Cluster na kanilang nang binibigyan ng mas mahigpit na monitoring ang mga buntis, mga may inaalagang sanggol, mga bata, at kababaihan na nasa mga evacuation centers.
Nagdaos na rin ng tinatawag na Infant and Young Child Feeding program ang DOH.
Bukod pa ito sa pagbibigay ng tinatawag na Micronutrient Powder sa mga nagpapasusong ina, at mga batang umeedad ng 24 na buwang gulang pataas.
Nagsasagawa rin ng pagtukoy sa mga tinatawag na Moderately Acute Malnutrition, at Severely Acute Malnutrition sa mga bata.
Samantala, sa limang evacuation centers, nabatid na umaabot sa 361 ang mga sanggol na may edad ng anim na buwan hanggang 5 taong gulang ang kinakanlong at nangangailangan ng pagtutok ng DOH.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.