CJ Sereno, posibleng maharap sa impeachment dahil sa CA, Ilocos Six issue-Alvarez

By Jay Dones July 03, 2017 - 04:24 AM

 

May posibilidad na sampahan ng kasong impeachment ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ay kung mapapatunayang may kinalaman ito sa pagbalewala ng Appellate Court sa inilabas na show-cause order ng Kamara para magpaliwanag ang tatlo nitong huwes na pumabor sa petisyon for habeas corpus ng tinaguriang Ilocos Six.

Sa pagdalo ni Alvarez sa oath-taking ceremonies ng mga bagong miyembro ng PDP-Laban sa Maasin City, Southern Leyte, ipinaliwanag nito ang posibleng hakbang na kanilang gawin kung mapapatunayan ang alegasyon laban sa Chief Justice.

Ayon kay Alvarez, nakatanggap siya ng impormasyon na si Sereno ang nagbigay ng kautusan sa tatlong huwes na balewalain ang show-cause order ng Kamara.

Giit ng House Speaker, sakaling lumitaw na totoo ang naging kautusan ni Sereno, ay maari itong magsilbing ‘ground’ para sa impeachment case.

Nagsimula ang tensyon sa pagitan ng Kamara at CA nang unang balewalain ng Kamara ang inilabas petition for habeas corpus na inihain ng kampo ng Ilocos Six.

Ang Ilocos Six ang bansag sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte na idinetine ng Kamara dahil sa pagkabigo umanong sagutin ang mga katanungan sa imbestigasyonsa umano’y iligal na paggamit ng tobacco funds ng lalawigan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.