Patuloy na lumalakas ang bagyong “Emong” habang papalayo na ng bansa.
Base sa pinakahuling update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 405 kilometers northeast ng Basco, Batanes.
Taglay ito ang lakas ng hangin na aabot sa 80 kilometers per hour at pagbugso na 95 kilometers per hour.
Kasabay ng paglakas nito ay pagbilis rin nito dahil tinatahak na nito ang direksyong northwest sa bilis na 30 kilometers per hour.
Samantala, wala namang itinaas na storm warning signal ang PAGASA at inaasahang lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility bukas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.