6 brgy. tanod na nagpapakilalang pulis, arestado sa Taguig
Arestado ang anim na barangay tanod na nagpakilalalng pulis matapos magsagawa ng entrapment operation sa Barangay Hall ng West Bicutan, Taguig City kaninang alas nuwebe y medya ng umaga.
Nakilala ang mga suspek na sina:
1. Regie Adrales;
2. Rolly Barcelo;
3. Bobby Tejero;
4. Antonio Bontia,
5. Antonio Bag ao; and
6. Staphanie Villanueva.
Ayon kay PNP Counter Intelligence Task Force Head Senior Supt. Chiquito Malayo, dumulog sa Taguig PNP ang kasamahan ng biktimang si Juluis Lee Sabano na isang truck helper.
Inaresto si Sabano dahil sa umano’y kaso ng ilegal na droga.
Nakikipag-negosasyon ang mga barangay tanod na nagpapanggap na pulis na pakakawakan lamang si Sabano kung magbibigay ng sampung libong piso.
Nagkaroon ng negosasyon ang mga tanod at kasamahan ng biktima na ibaba sa anim libong piso na lamang.
Dito na nagsagawa ng entrapment operation ang mga pulis dahilan para matimbog ang anim na brgy. tanod sa loob ng brgy. hall.
Nakuha sa mga tanod ang marked money, 1 cal. 38, 1 cal. 45 and 1 9mm short pistol at mga bala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.