Aabot halos 50 kabahayan ang natupok sa sunog na sumiklab sa Brgy. 598, Old Sta. Mesa, Maynila.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog bago mag-alas kwatro ng madaling araw.
Madaling itinaas ang alarma dahil dikit-dikit ang mga kabahayan at ang ilan ay gawa sa light materials.
Nahirapan rin ang mga pamatay-sunog na apulahin ang apoy dahil masikip ang mga eskinita papunta sa mga kabahayan.
Ilang pagsabog rin ang narinig na posibleng mula sa mga LPG tanks.
Ayon sa BFP, nagmula ang sunog sa bahay ng pamilya Delos Angeles at posibleng nag-ugat ang apoy sa napabayaang nakasaksak na charger.
Umabot sa ika-limang alarma ang sunog na idineklarang fire out 6:11 ng umaga.
Inaalam pa naman ng Bureau of Fire Protection ang halaga ng ari-ariang tinupok ng apoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.