10 sundalo sugatan sa engkwentro sa Abu Sayyaf

By Jong Manlapaz August 28, 2015 - 04:02 PM

PatikulSugatan ang sampung tauhan ng Philippine Marines matapos makasagupa ang mga tauha ng Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu.

Ayon kay Brig. General Alan Arrojado, naganap ang engkwentro alas 6:29 ng umaga kanina sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine Marines at nasa 300 bandido sa Mt. Awak sa Barangay Latih sa bayan ng Patikul.

Tumagal ng isang oras ang sagupaan. Hindi naman natukoy ng mga sundalo ang bilang ng mga sugatan sa panig ng Abu Sayyaf.

Ang grupong nakasagupa ng mga sundalo ay pinamumunuan umano nina Hatib Hajan Sawadjaan, Muamar Askali, Almuktar Suddung, Namiel Ahajari at Basaron Arok na pawang tagasunod ng subcommander na si Yasser Igasan.

Kasama ng nasabing grupo ang isang miyembro ng Jemaah Islamiyah na si Amin Bacu alyas Abu Jihad at Khalid, at isa pang hindi nakilalang JI Member.

Ang mga nasugatan namang marines ay dinala na sa pagamutan para malapatan ng lunas.

TAGS: patikul sulu encounter, patikul sulu encounter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.