Mga paaralan sa Maynila, tapos na sa pagtanggap ng mga estudyante mula sa conflict areas sa Mindanao
Tapos na ang pagtanggap ng mga estudyanteng nagsilikas mula sa Marawi City sa mga pampublikong Paaralan sa Maynila.
Ayon kay Manila City Schools Superintendent Dr. Wilfredo Cabral, napaso na kasi ang deadline na itinakda ng Department of Education para sa transferees na mula sa mga conflict area sa Mindanao.
Paliwanag nya, sa kabuuan ay mayroon silang naitalang 176 na transferee mula sa Mindanao at ang pinakamarami rito ay napunta sa Geronimo Santiago Elementary School.
Nilinaw naman ni Dr. Cabral, wala silang problema sa mga transferee dahil mayroon naman silang sapat na mga silid aralan.
Sa katunayan nga raw ay nasa normal pa ang absorptive capacity ng mga paaralan sa Maynila kung saan nasa 1:45 pa ang kayang i-accomodate ng bawat kwarto.
Matatandaang ipinagutos ni DepEd Sec. Leonor Briones sa mga eskwelahan na luwagan ang pagsusumite ng maa documentary requirements ng mga enrollees mula sa Marawi city.
Hanggang kahapon, June 30 na lamang ang huling araw ng pag-eenroll para sa school year na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.