Unang apat na official entries sa MMFF 2017, inanunsyo na

By Rod Lagusad June 30, 2017 - 08:00 PM

Inanunsyo na ng Metro Manila Film Festival Executive Committee (MMFF Execom) ang unang apat na official entries nito para sa MMFF 2017 base sa isinumiteng script, kasunod nang naging rekomendasyon ng selection committee nito.

Ayon sa MMFF Execom ang mga nakapasok na entries ay dumaan sa masusing evaluation ng selection panel.

Nakatanggap ng aabot sa 26 na film entries ang MMFF na nasa ilalim ngayon ng pamumuno ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim.

Ayon kay MMFF Executive Committee Chairman Tim Orbos, nahirapan ang selection committee sa pagpili ng mga entries.

Base sa criteria, 40% artistic excellence, 40% ang commercial appeal at 10% ang promotion ng Filipino cultural at historical values at 10% sa global appeal.

Pasok ang pelikulang “Ang Panday” ng CCM Creative Productions Inc. na pinabibidahan ni Coco Martin sa direksyon ni Rodel Nacianceno.

Kasama din ang pelikulang “Almost Is Not Enough” ng Quantum at MJM Productions na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales sa direksiyon ni Dan Villegas.

Balik MMFF naman si Vice Ganda kasama sina Daniel Padilla at Pia Alonzo Wurtzbach sa pelikulang “The Revengers” ng Star Cinema at Viva Films sa direksiyon ng Joyce Bernal.

Kasama rin ang pelikula ni Vic Sotto kasama si Dawn Zulueta para sa pelikulang “Love Traps #Family Goals” ng Octo Arts Films.

Ang mga pelikulang may kumpleto nang requirements ay maaring isumite sa MMFF Secretariat hanggang October 2 para sa mga early birds at hanggang October 30 naman para sa regular submission.

Habang ang natitirang apat na slots ay pipiliin naman mula sa mga isinumiteng mga pelikula na tapos na at siyang kukumpleto sa walong official entries ay iaanunsyo sa November 17.

Samantala, ang deadline naman para sa short film category ay sa September 1 at sa darating na September 29 naman iaanunsyo ang walong official short film entries.

 

 

 

 

TAGS: AlmostIsNotEnough, Ang Panday, LoveTraps, MMFF, TheRevengers, AlmostIsNotEnough, Ang Panday, LoveTraps, MMFF, TheRevengers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.