Mas mahabang operasyon ng LRT-2 sisimulan na sa Lunes
Simula na sa Lunes, July 1 ang mas mahabang operasyon ng Light Rail Transit line 1 (LRT-2).
Sa abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sisimulan na ang biyahe ng kanilang mga tren ng alas 4:30 ng umaga.
Ayon kay LRTA Administrator Gen. Reynaldo Berroya, layon ng mas pinaagang biyahe ng kanilang mga tren na makasabay sa mas maaga ring operasyon ng LRT-1 at MRT-3 na parehong nagbubukas ng 4:30 AM.
Ang mga pasahero ng LRT-1 ay maaring lumipat mula sa Doroteo Jose station patungo sa Recto Station ng LRT-2.
Habang mag-access naman ang mga pasahero ng MRT-3 sa Araneta Center-Cubao patungo sa Cubao station ng LRT-2.
Maliban dito, sinabi ni Berroya na marami ring pasahero ang mas pinipili na ngayon na bumiyahe ng mas maaga.
Karamihan sa mga pasahero ng LRT ay mga residente ng Rizal na sumasakay sa bahagi ng Santolan station.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.