Accomplishment ng Duterte administration sa anti-drug war campaign ibinida ng PDEA

By Chona Yu June 30, 2017 - 03:02 PM

Radyo Inquirer File Photo | Hani Abbas

Inilatag na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang taong accomplishment ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa Mindanao Hour sa Davao, sinabi ni PDEA Director General Isidro Lapeña na mula June 30, 2016 hanggang sa kasalukuyan ay 64,397 ang naging kabuuang drug operations ng kasalukuyang administrasyon.

Mas mataas aniya ito ng 77 percent kumpara sa mga operasyon na ginawa ng nakaraang administrasyon na 36,466 lamang.

Ayon kay Lapeña, nasa 1.3 milyong drug addict ang sumuko na sa otoridad habang aabot sa 57 law enforcers ang napatay sa drug operations at 150 ang nasugatan.

Umabot naman aniya sa 86,984 na mga drug suspect ang naaresto, mas mataas ito ng 364 percent kumpara sa 18,766 na naaresto noong nakaraang administrasyon.

Nasa 302 na government workers naman aniya na sangkot sa ilegal na droga ang kanilang naaresto na 211 percent na mas mataas kumpara sa 97 na naaresto noong nakaraang administrasyon.

Siyam na shabu laboratory ang na-dismantle ng pamahalaan kabilang na ang dalawang mega shabu laboratory kumpara sa tatlong shabu laboratory na na-dismantle ng nakaraang administrasyon.

Sinabi pa ni Lapeña na nasa 42,036 na barangay sa buong bansa, 20,126 ang apektado ng ilegal na droga.

Ang National Capital Region aniya ang may pinakamaraming barangay na apektado ng ilegal na droga na pumapalo sa 97 percent.

Pero sa ngayon ayon kay Lapeña, 3,677 na ang cleared barangay.

 

 

 

 

 

 

TAGS: drugs, PDEA, Rodrigo Duterte, War on drugs, drugs, PDEA, Rodrigo Duterte, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.