China, nangako ng tuluy-tuloy na tulong sa Pilipinas upang labanan ang terorismo

By Jay Dones June 30, 2017 - 04:46 AM

 

Nangako ng tuluy-tuloy na tulong ang bansang China upang masawata ang terorismo sa Pilipinas, partikular sa Mindanao.

Ito ang tiniyak ni Foreign Minister Wang Yi kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na bumibisita sa Beijing sa kasalukuyan.

Paliwanag ni Wang, unang bahagi pa lamang ng tulong ng China ang ipinadalang mga armas kamakalawa at magpapatuloy ang pagpapadala nila ng kinakailangang ayuda sa mga susunod na panahon.

Ayon naman kay Chinese Ambassador Zhao Jianhua, magkakaroon pa ng second batch ang mga armas na kanilang ibibigay sa Pilipinas.

Bagama’t hindi aniya kalakihan ang bilang ng mga armas na kanilang ibinigay, simbolo aniya ito ng panibagong yugto sa ugnayan ng Pilipinas at China.

Bukod sa usapin ng terorismo, patuloy rin aniyang tutulong ang China upang masugpo ang droga sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.