Bumagsak ang halaga ng piso sa halagang P50.53 kada isang dolyar sa pagsasara ng trading kahapon.
Ito na ang pinakamababang antas ng palitan ng piso kontra dolyar sa loob ng halos labing-isang taon.
Huling bumaba sa P50.54 bawat dolyar ang palitan noong September 11, 2006.
Sa kabuuan, umabot sa P7.77 bilyon ang total value turnover kahapon, Huwebes.
Ayon sa ilang eksperto, ang domestic investors ang nakahila sa merkado samantalang nagsilbi namang net buyers ang mga foreign investors na nakapagtala ng P118.61 million.
Bumaba naman ang local stock barometer sa 7,800 points samantalang nabawasan aman ng 69.12 points ang Philippine Stock Exchange Index.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.