Heavy rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa mga lalawigan sa Mindanao
Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa maraming bayan sa iba’t ibang lalawigan sa Mindanao.
Ayon sa PAGASA, monsoon trough ang umiiral na weather system sa Mindanao at naghahatid ng malakas na pag-ulan sa rehiyon.
Sa abiso ng PAGASA, yellow warning ang nakataas sa bayan ng Bunawan at Trento sa Agusan del Sur; Tagum City, Samal City, Maco, Mawab at Nabunturan sa Davao del Norte; Davao City, Toril, Digos City, Matanaw, Kiblawan, Padada at Sulop sa Davao del Sur; Sta. Maria, Davao Occidental; Tulunan at Kidapawan sa NorthCotabato; Afus, SouthCotabato at ang lalawigan ng Davao Oriental.
Babala ng PAGASA, maaring makaranas ng pagbaha sa nasabing mga lugar lalo na sa low-lying areas at sa mga naninirahan sa palibot ng ilog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.