2 pulis na na-videohan habang nananakit ng mga nahuli sa curfew, ni-relieve na

By Jay Dones June 29, 2017 - 04:23 AM

 

Screebgrab/FB

Sinibak na pansamantala sa puwesto ng Mandaluyong police ang dalawang bagito nitong mga alagad ng batas na nakuhanan ng video na sinasaktan ang dalawang lalake na una na nilang nasita dahil sa paglabag sa pag-inom sa labas ng bahay.

Nanganganib pang mapadala sa Marawi city ang mga pulis na sina PO1 Jose Julius Tandog at PO1 Chito Enriquez na inireklamo dahil sa insidente.

Ayon sa dalawang complainant, una na silang nasita ng dalawang pulis dahil sa pag-inom sa kalsada kaya’t nadala sila sa Bgy. outpost sa Bgy. San Jose.

Sa video, maririnig ang pagsagot at mistulang pakikipag-komprontasyon ng mga complainant sa mga pulis.

Hinanapan pa ng ‘rules and regulations’ ng mga complainant at maririnig rin ang paghampas ng mga ito sa mesa habang kinakausap ng mga pulis.

Nang poposasan, tumanggi ang dalawang complainant kaya dito na nag-init ang pulis na si PO1 Jose Julius Tandog at pinagpapalo na ng hawak nitong yantok ang dalawa.

Hindi pa nakuntento, binunot pa ng pulis ang kanyang service firearm.

Ang insidente ay nakunan ng cellphone video ng complainant na nag-viral na rin sa internet.

Samantala, bagamat hindi nanakit, nahaharap pa rin sa imbestigasyon si PO1 Chito Enriquez dahil hindi nito pinigilan ang kanyang ‘ka-buddy‘ sa pananakit sa dalawang biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.