P100,000 pabuya inialok sa makapagtuturo sa suspek sa masaker sa Bulacan

By Dona Dominguez-Cargullo June 28, 2017 - 09:22 AM

PDI Photo | Edwin Bacasmas

Nag-alok ng P100,000 pabuya si San Jose Del Monte, Bulacan Mayor Arthur Robes sa makapagtuturo sa suspek o mga suspek sa naganap na masaker sa limang miyembro ng isang pamilya sa Barangay Sto. Cristo.

Ayon kay San Jose Del Monte Rep. Rida Robes, ang nasabing halaga ay ipagkakaloob sa sinomang makapagtuturo sa suspek upang mabilis na maresolba ang krimen.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ilang persons of interest na ang isinailalim sa pagtatanong pero wala pang naaarestong suspek.

Ayon kay P/Supt. Fitz Macariola, hepe ng San Jose del Monte Police, malaki ang posibilidad na bangag sa ipinagbabawal na gamot ang gumawa ng krimen.

Mayroon umanong nakakita sa dalawang lalaki na nagmamasid sa bahay ng mga biktima ilang araw bago maganap ang masaker.

Tiniyak naman ni Macariola na mabibigyan ng hustisya ang sinapit ng pamilya.

 

 

 

 

TAGS: crime, massacre, metro news, Radyo Inquirer, san jose del monte bulacan, crime, massacre, metro news, Radyo Inquirer, san jose del monte bulacan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.