Apat na miyembro ng isang pamilya, arestado sa drug buy-bust operation sa Caloocan

By Jong Manlapaz June 28, 2017 - 07:04 AM

Kuha ni Jong Manlapaz

Arestado ang apat na miyembro ng isang pamilya mayapos na gawing hanapbuhay ang pagbebenta ng ilegal na droga.

Naaresto ang sa loob mismo ng kanilang bahay sa 8th avenue ang mag-aamang sina Freddie de Guzman Sr., 63-anyos; dalawang anak nito na sina Freddie Jr., 40-anyos; Zaldy 36-anyos; at asawa ni Freddie na si Angelica.

Aminado si Mang Freddie na matagal na siyang ‘tulak’ ng ilegal na droga hanggang sa mamana ito ng kanyang mga anak.

Kahirapan umano ang nagtulak sa kanya para magpabayad siya ng P20 sa kanilang parokyano para magamit na ‘drug den’ ang kanilang bahay.

Nasamsam sa mag-aama ang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P50,000.

Ayon kay P/SSupt. Chito Bersaluna ang hepe ng Caloocan City PNP, tumugon sila sa natanggap na tip ng isang residente hanggang sa ikasa ang operasyon at maaresto ang mag-anak na De Guzman na nasa drug watchlist ng Caloocan City police.

 

 

 

 

 

 

TAGS: caloocan city, drugs, War on drugs, caloocan city, drugs, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.