MMDA, hihingi na ng tulong para maalis ang mga water hyacinths sa Pasig River

By Kabie Aenlle June 28, 2017 - 04:21 AM

File photo

Makikipagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa dalawang iba pang ahensya ng gobyerno ngayong linggo para humingi ng tulong sa kung paano tatanggalin ang mistula nang “carpet” ng water hyacinths sa Pasig River.

Dahil kasi dito, tatlong beses na itinigil noong nakaraang linggo, at isang beses naman na ngayong linggo, ang operasyon ng Pasig River Ferry System.

Masyado na kasing naging delikado ang pagdaan sa ilog kung saan marami na ang palutang-lutang na water hyacinth dahil baka sumabit ang mga ito sa propeller ng ferry at magdulot pa ng pinsala.

Ayon kay MMDA assistant general manager for operations Julia Nebrija, makikipag-usap sila sa Laguna Lake Development Authority pati na sa Department of Public Works and Highways tungkol dito.

Target aniya nila na mai-salungat ang mga water hyacinths sa agos ng tubig upang makolekta ang mga ito at maialis na ng tuluyan.

Mahalaga aniyang masolusyunan din nila agad ang problemang ito dahil nais nila sanang magkaroon ng art cruise sa kahabaan ng Pasig River.

Layunin nitong i-promote ang ferry bilang alternatibong paraan ng pag-biyahe.

Sa ngayon, 400 na pasahero ang naseserbisyuhan ng ferry araw-araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.