Noon pa man, batid ko nang magtatagal ang laban para sa Marawi-Duterte
Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na inasahan na niyang magtatagal ang bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay Duterte, alam na niya ang lahat ng mga detalye ng kaganapan sa Marawi City nang ideklara niya ang martial law noong siya ay nasa Moscow.
Humingi naman ng tawad si Duterte sa mga naaapektuhan ng bakbakan sa Marawi City, at sinabing hindi siya natutuwa na may mga namamatay na Maranao.
Hindi rin niya aniya ginusto na mangyari ito, at na maging siya ay nagdurusa sa mga nangyayari.
Ikinalulungkot naman ni Duterte na nakapasok sa bansa ang aniya’y “fractured ideology” ng mga terorista na ang gusto lang ay pumatay at manggulo.
Sa kabila ng lahat ng ito, tiniyak ni Pangulong Duterte na muling babangon ang Marawi City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.