Abu Sayyaf lider na si Isnilon Hapilon tinawag na duwag ng Malacañang

By Isa Avedaño-Umali June 27, 2017 - 04:19 PM

Para sa Malacañang ay maituturing na isang duwag ang Abu Sayaff leader na si Isnilon Hapilon sakaling totoo ang mga lumabas na ulat na nakalabas na siya ng Marawi City.

Sa briefing sa Palasyo, hindi makumpirma ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella ang napabalitang paglabas ni Hapilon mula sa lungsod na inatake ng pinangunahan nitong Maute terror group.

Sa kasalukuyan aniya ay masasabing “raw” o hilaw pa ang mga lumulutang na impormasyon, kaya naman nagpapatuloy ang validation ng militar ukol sa nabanggit na report.

May mga ulat din na napatayna ng militar ang isa sa mga lider ng Maute group na si Omar Maute base sa ulat ngilang nakatakas na bihag ng grupo.

Pero kung talagang nakapuga na si Hapilon at iniwan ang mga kasamahang terorista, sinabi ni Abella na lumalabas na duwag ang isa sa most wanted terrorists.

Base sa mga naunang intelligence report, si Hapilon kasama ang magkapatid na Omar at Abdullah Maute ang nagplano ng pag-atake sa Marawi City.

TAGS: abella, hapilon, ISIS, Malacañang, Marawi City, Maute, abella, hapilon, ISIS, Malacañang, Marawi City, Maute

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.