70 pulis mula Central Luzon, ipinadala sa Cagayan de Oro City

By Rohanisa Abbas June 27, 2017 - 11:39 AM

Ipinadala sa Cagayan de Oro City ang 70 pulis ng Regional Public Safety Battalion – Central Luzon para dagdagan ang pwersa sa nasabing lungsod.

Ayon kay Chief Superintendent Aaron Aquino, direktor ng Central Luzon Police Regional office, bahagi ito ng programang “Tour of Duty of PNP Personnel Deployed in Armed-Conflict Areas, Counter- Insurgency Operations and other Similar Serious Threats to National Security.”

Ipinahayag ni Aquino na katatapos lamang ng mga pulis na kanilang ipinadala sa CDO sa Character and Aptitude Training at sumailalim na rin sa tactical and combatant trainings.

Dagdag pa ni Aquino, mananatili sa lugar ang nasabing mga pulis hanggang sa bumalik na sa normal ang sitwasyon sa Mindanao.

Ang Mindanao ay isinailalim sa Martial Law matapos sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at ng ISIS-inspired Maute terror group sa Marawi City.

 

 

 

 

TAGS: Cagayan De Oro City, police, Region 3, Cagayan De Oro City, police, Region 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.