93 preso na pinatakas ng Maute terror group sa Marawi, pinaghahanap pa

By Rohanisa Abbas June 27, 2017 - 10:40 AM

Nagpakalat na ng tracker teams ang Bureau of Management and Penology (BKMP) sa iba’t ibang bahagi ng bansa para tugisin ang 93 presong pinakawalan ng Maute terror group sa pag-atake nito sa Marawi City noong Mayo.

Ayon sa tagapagsalita ng BJMP na si Chief Inspector Xavier Solda, partikular na pinagtutuunan nila ng pansin sa kanilang paghahanap ay ang Mindanao.

Nagtalaga na rin sila ng tracker teams sa Luzon at Visayas.

Sinabi ni Solda na sa ngayon, ‘accounted for’ na ang 14 sa 107 presong pinalaya ng mga terorista.

Nakipag-ugnayan na ang BJMP sa mga kamag-anak ng mga ito at hinimok na hikayatin ang mga preso na sumuko.

Kabilang ang Marawi City Jail at Malabang District Jail sa inatake ng Maute terror group noong May 23.

Tinanggalan ng grupo ng armas ang 12 jail officers ng bilangguan at saka pinakawalan ang mga bilanggo.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.