MILF, kokonsulta muna sa gobyerno bago makialam sa isyu sa Maute
Handa ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na manghimasok na upang mawakasan na ang krisis sa Marawi City.
Ayon kasi sa source ng Inquirer, handa ang Maute Group na umalis na sa Marawi City kung papagitna ang MILF.
Gayunman, ayon kay MILF spokesperson Von Al Haq, nais muna nilang kumonsulta sa mga opisyal ng pamahalaan bago nila ito gawin.
Ani Al Haq, ayaw naman nilang ma-misinterpret ang kanilang mga gagawing hakbang kaya gusto nilang mapagkasunduan muna nila ito ng gobyerno.
Aniya pa, kikilos lang sila oras na magbigay na ang gobyerno ng go-signal sa kanila.
Ang MILF ay nasa gitna ngayon ng proseso ng usaping pangkapayapaan sa gobyerno.
Tumutulong din ang MILF sa Marawi City sa pamamagitan ng rescue operations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.