Accomplishment report ni PRRD para sa kanyang unang anibersaryo, ikinakasa na ng Palasyo
Inihahanda na ng Malacañang ang accomplishment report ni Pangulong Rodrigo Duterte, para sa kanyang ‘first anniversary’ bilang pinakamataas na lider ng bansa.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ang accomplishment report ay simula noong June 30, 2016 hanggang June 30, 2017.
Sinabi ni Andanar na mayroong written report na inaayos ang tanggapan ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella.
Maliban dito, ang government channel na PTV-4 ang gagawa ang video report, habang ang Radio Pilipinas ang naatasan para sa audio report.
Mayroon ding written report ang government news portal o website na PNA, at naghahanda na rin ng online video report ang PCOO.
Ani Andanar, kabilang sa mga pangunahing tampok sa mga binubuong accomplishment report ay ang mga nagawa ng Duterte administration patungkol sa kampanya laban sa ilegal na droga.
Pasok aniya sa ulat ang 1.2 milyong drug suspects na sumuko sa kasagsagan ng war against drugs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.