2.7% ng Metro Manila, drug free na – DILG, PDEA

By Kabie Aenlle June 27, 2017 - 04:42 AM

“Cleared” na mula sa iligal na droga ang 2.7 percent ng buong Metro Manila ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ito ay nangangahulugan na malinis na mula sa impluwensya ng iligal na droga ang 47 sa 1,706 na barangay sa buong National Capital Region (NCR).

Base sa datos ng DILG at PDEA, ang Quezon City ang may pinakamaraming barangay na cleared na sa iligal na droga na nasa 11 na ang bilang.

Pumapangalawa naman dito ang Las Piñas na mayroong siyam na barangay.

Noong May 30, naitala ang NCR na pinaka-apektadong rehiyon ng iligal na droga matapos pumalo sa 97.3 percent ang mga apektadong barangay dito.

Mahigit isang porsyento rin ang katumbas ng mga barangay na na-clear sa NCR, kung ikukumpara sa 3,677 na mga barangay na cleared na ayon sa DILG.

Ito’y bunsod pa rin ng pagpapatupad ng administrasyong Duterte ng gyera kontra iligal na droga mula nang manungkulan ang pangulo mag-iisang taon na ang nakalilipas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.