Pag-atake ng NPA sa Zambales, napigilan ng mga pulis

By Kabie Aenlle June 27, 2017 - 04:35 AM

Inquirer file photo

Nagawang pigilan ng mga pulis Zambales ang isang pag-atake sana ng mga rebeldeng komunista sa bayan ng Botolan, pasado hatinggabi ng Lunes.

Ayon kay SPO1 Larry Deliguin ng Botolan police station, hindi bababa sa 20 armadong kalalakihan ang namataang gumagapang patungko sa platoon base ng 2nd Maneuver Provincial Public Safety Company sa Barangay Taugtog.

Dahil dito, pinaputukan ng mga tauhan ng PPSC ang mga armadong kalalakihan, dahilan para umatras at magpulasan ang mga ito patungo sa direksyon ng Sitio Bihawo.

Wala namang naitalang nasugatan sa insidente.

Bagaman naniniwala ang mga pulis na mga miyembro ng New People’s Army ang mga armadong kalalakihan, wala pa namang inilalabas na pahayag ang NPA na kinukumpirma o itinatanggi ang pag-atake.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.