Hontiveros, umapela sa publiko na ihinto ang diskriminasyon sa mga Muslim

By Ruel Perez June 26, 2017 - 05:40 PM

INQUIRER file photo

Kasabay nang pagtatapos ng Ramadan, umapela si Sen. Risa Hontiveros sa publiko na huwag pairalin ang diskriminasyon sa mga IDP o internally displaced persons sa Marawi na naghahanap ng pansamantalang masisilungan kasunod na rin ng nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng militar at Maute terror group.

Ang pahayag ay kasunod na rin ng reklamo nang maraming bilang ng mga Maranaos na umano’y nakaranas ng diskriminasyon at napagkaitan ng pansamantalang matutuluyan matapos na magpakilalang mga Muslim.

Paliwanag ni Hontiveros, bagaman naiintindihan niya ang ginagawang pag-iingat ng mga residente na tumatangging paupahan ang kanilang mga ari-arian para sa mga Muslim na naapektuhan ng Marawi crisis, pero iba umano ang diskriminasyon sa mga Muslim sa pagiging vigilant o mapagbantay.

Giit ng senadora, ito ang panahon ng pagkakaisa at pagsasama-sama at hindi dapat na manaig ang diskriminasyon lalo na sa mga kapatid na Muslim.

Kasabay nito, umapela ang senadora sa Duterte administration na gumawa ng mga hakbang upang tiyakin na napangangalagaan ang mga IDPs na mga Muslim at hindi sila napapasailalim sa anumang diskriminasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.