8 Muslim na emisaryo, nakipag-dayalogo sa Maute Group

By Kabie Aenlle June 26, 2017 - 05:01 AM

Sinamantala ng walong emisaryo ang sandaling unilateral ceasefire na ipinatupad ng tropa ng pamahalaan kahapon upang pumasok sa conflict zone at makipag-usap sa Maute Group.

Ayon kay Assistant Secretary for Peace Process Dickson Hermoso, na siyang nakikipag-ugnayan sa pagpapalaya ng mga sibilyan, aminado sila na sadyang mahirap tantyahin ang pakikipag-dayalogo sa grupo, kaya kailangan nila itong balansehin.

Kinailangan pa aniya nilang pahabain ang walong oras na ceasefire ng army kahapon para lang bigyang daan ang dayalogo.

Hindi na rin sila nagbigay ng detalye sa pakikipag-usap ng walong Muslim leaders sa kampo ni Abdullah Maute, isa sa mga pinuno ng Maute Group, upang hindi mabulilyaso ang mga posibilidad pa ng dayalogo.

Samantala, ayon naman kay 1st Infantry Division spokesman Lt. Col. Jo-Ar Herrera, nasa limang sibilyan ang napalaya mula sa ground zero kahapon.

Tiwala aniya sila na mas marami pa silang mare-rescue sa pagpapatuloy pa ng mga araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.