Pagtakas umano ni Isnilon Hapilon, hindi pa tiyak ng AFP

By Kabie Aenlle June 26, 2017 - 05:00 AM

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakakatanggap nga sila ng mga ulat tungkol sa umano’y pagkakatakas ng lider ng Abu Sayyaf at sinasabing emir ng Islamic State sa Pilipinas na si Isnilon Hapilon.

Gayunman, ayon kay 1st Infantry Division spokesman Lt. Col. Jo-Ar Herrera, beberipikahin pa nila ang mismong impormasyon.

Wala pa aniya silang maibibigay na impormasyon tungkol sa umano’y pagtakas ni Hapilon, pero tiniyak niyang siniseryoso ng militar ang mga ulat na ito.

Kamakailan ani Herrera, wala pa silang namo-monitor na nagbibigay ng utos si Hapilon sa kaniyang mga tauhan.

Gayunman, nilinaw niya na hind pa nila ito beripikado at siniguro namang aalamin nila ang impormasyon tungkol dito.

Sa ngayon aniya ay mino-monitor pa nila ang mga galaw ng mga lider ng mga terorista, at kumpirmado aniyang naroon pa si Abdullah Maute.

Tiniyak rin ni Herrera na patuloy nilang babantayan ang lahat ng mga posibleng entry at exit points sa Marawi City upang mapanatili ang seguridad sa lungsod.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.