Walong oras na ceasefire, nagtapos din agad sa putukan

By Kabie Aenlle June 26, 2017 - 04:59 AM

Nagtapos sa muling pag-alingawngaw ng mga putukan at pagpapasabog ang idineklarang humanitarian at unilateral ceasefire ng mga militar kahapon sa Marawi City.

Mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon, itinigil muna ng mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga opensiba sa lungsod bilang paggunita rin sa Eid’l Fitr.

Sinamantala ito ng mga rescuers para iligtas ang iba pang mga sibilyang trapped pa rin sa ilang bahagi ng Marawi.

Ayon kay Assistant Secretary for Peace Process Dickson Hermoso, limang sibilyan ang nailigtas ng mga rescuers kabilang ang isang sanggol na babae.

Ang ika-anim na sibilyan naman ay isang matandang lalaking kinilalang si Hassan Ali na na-stroke anim na linggo na ang nakalilipas, ay nasawi na bago pa man ito ma-rescue.

Gayunman, pagpatak ng alas-2:00 ng hapon, agad na nanumbalik ang mga putukan at pagpapasabog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.