Patay sa pagsabog ng oil tanker sa Pakistan, umakyat sa 148

By Mariel Cruz June 25, 2017 - 05:55 PM

AP PHOTO

UPDATE – Umakyat na sa 148 ang nasawi makaraang sumabog ang bumaliktad na oil tanker sa Pakistan.

Nabatid na karamihan sa mga nasawi ay lumapit sa nasabing oil tanker nang umapoy ang gasolina na natapon mula sa tangke.

Batay sa inisyal na impormasyon, bumaliktad ang oil tanker nang magtangka itong umikot sa isang highway sa Bahawalpur.

Ayon kay Malik Muhammad, provincial government spokesman, lahat ng mga biktimang lumapit sa bumaliktad na oil tanker ay nasunog nang sumabog ito.

Maging ang ilang sasakyan at motorsiklo na nakaparada malapit sa pinangyarihan ng insidente at tinupok din ng apoy.

Karamihan aniya sa mga nakaligtas na nasa kritikal na kondisyon ay agad na isinugod sa ospital sa Bahawalpur sa pamamagitan ng pag-airlift.

Sinabi naman ni Jam Sajjad Hussain, tagapagsalita ng rescue workers service, isa sa mga lumapit sa insidente ay nagtangka pang magsindi ng sigarilyo naging dahilan ng pagsabog ng oil tanker.

Tumagal ng dalawang oras bago maapula ng mga bumbero ang apoy.

Inaasahan na tataas pa ang bilang ng mga nasawi sa insidente.

Samantala, nagpaabot naman ng pakikisimpatya si Prime Minister Muhammad Nawaz Sharif sa mga biktima ng insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.