Marawi, gagawing isang tourism hub – DOT

By Mariel Cruz June 25, 2017 - 12:47 PM

Pinag-aaralan ng Department of Tourism na gawing isang tourism hub ang Marawi City kapag natapos na ang bakbakan sa lungsod.

Ayon kay DOT Undersecretary Frederick Alegre, nasa proseso na ang kagawaran sa paggawa ng draft para sa isang tourism plan para sa lungsod.

Umaasa aniya ang DOT na mawawasakan na ng tropa ng pamahalaan ang kaguluhan sa Marawi, at masusugpo na nang tuluyan ang Maute terror group sa susunod na mga linggo.

Ayon sa militar, apat na barangay pa sa Marawi City na pinaniniwalaang pinagkukutaan ng Maute group, ang isinasailalim sa clearing operations.

Aabot na sa tatlongdaan katao, na karamihan ay mga militante, ang napatay sa nagpapatuloy na kaguluhan na nagsimula noong May 23 nang umatake ang Maute group.

Dahil sa pag-atake, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Martial Law sa buong Mindanao.

Inaasahan naman na pipirmahan na ng pangulo ang isang executive order na mag-uutos sa pagsasaayos ng Marawi City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.