Bangkay ng 4 na Maute members na napatay sa Lanao del Norte, tengga pa rin sa ospital

By Mariel Cruz June 25, 2017 - 12:46 PM

Wala pang umaakong kamag-anak sa bangkay ng apat na hinihinalang miyembro ng Maute group na napatay ng pulisya sa isang engkwentro sa Balo-i, Lanao del Norte, dalawang linggo na ang nakalilipas.

Kumuha na ng Philippine National Police-Crime Laboratory ng DNA samples sa apat na hinihinalang Maute members na nakilalang sina Zulkifli Risales Maute, Aliasgar Hadji Suluman, Salah Gasim Abbas, at Allan Capal Sulaiman.

Napatay ang mga umano’y terorista matapos tambangan ng kanilang grupo ang isang police convoy sa Balo-i noong nakaraang June 10.

Sa nasabing engkwentro, tatlong pulis ang nasugatan.

Idineklara naman na dead on arrival ang tatlo sa napatay na miyembro umano ng Maute nang dalhin sa Dr. Uy Hospital.

Ang isa pang suspek ay dinala naman sa Gregorio Lluch Hospital sa Iligan City kung saan ito binawian ng buhay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.