Palasyo, iginiit sa communist groups na ipakita ang sinseridad sa peace talks

By Angellic Jordan June 25, 2017 - 10:39 AM

Dismayado ang Palasyo ng Malakanyang sa ikinakasang pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa Mindanao.

Ayon kay Presidential spokesman Ernesto Abella, ginugulo ng mga operasyon ng NPA ang proseso ng usapang pangkapayapaan.

Nagbubunga aniya ito ng pagdududa sa publiko kung dapat pa bang ituloy ang peace talks.

Dahil dito, gagawa aniya ng hakbang ang gobyerno upang tugunan ang naturang problema.

Samantala, matatandaang sinuspinde ng gobyerno ang 5th round ng peace negotiations kasama ang National Democratic Front (NDF) matapos ipag-utos ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa NPA na paigtingin ang opensiba laban sa tropa ng pamahalaan kasunod ng implementasyon ng Martial Law sa Mindanao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.