Pagsira sa isang chapel sa North Cotabato, kinundena ng isang obispo
Kinundena ni Orlando Cardinal Quevedo, ang Concurrent Archbishop of the ng Diocese ng Cotabato ang pagsira ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa isang chapel sa Barangay Malagakit sa bayan ng Pigcayawan sa North Cotabato.
Ayon kay Quevedo, ang naturang pagsira ay napakasama at hindi na dapat ito maulit.
Matatandaang noong Miyerkules ng sirain ng BIFF ang mga religious icons at ibang bagay sa nasabing chapel.
Gumamit ang mga ito ng martilyo sa pagsira ng mga gamit sa dito.
Una ng sinabi ng mga Kristiyano sa Pigcawayan na hindi nila hahayaan ang naging pagsira ng BIFF sa naturang chapel para mahati sila at ang kanilang mga kababayang Muslim sa lugar.
Dagdag pa ni Quevedo na dapat ding mapigilan ang pagsira sa mga lugar sambahan ng mga Muslim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.