Maranao-speaking teachers, pinapag-volunteer ng DepEd sa Marawi City

By Chona Yu June 24, 2017 - 02:09 PM

Hinihimok ng Department of Education ang mga guro na marunong na magsalita ng Maranao na mag-volunteer sa Marawi City.

Ayon kay DepEd Asec. Tonisito Umali, ito ay para tumulong sa pagtuturo sa mga estudyante ng Marawi City sa sandaling manumbalik sa normal ang sitwasyon at pabalikin na sa paaralan ang mga kabataan.

Sa ngayon ayon kay Umali, umabot na sa 44 na guro ang sumailalim sa psychosocial intervention.

All accounted for naman at ligtas na ayon sa opisyal ang may 1,400 na tauhan ng DepEd sa lungsod kasama ang mga guro.

Sa ngayon, sinabi ni Asec. Umali na indefinite ang suspensyon ng klase sa Marawi at hihintayin ng DepEd ang abiso ng militar kapag maituturing nang ligtas ang sitwasyon.

TAGS: deped, DepEd Asec. Tonisito Umali, maranao, Maranao-speaking teachers, Marawi City, deped, DepEd Asec. Tonisito Umali, maranao, Maranao-speaking teachers, Marawi City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.