Johnny Depp, nag-sorry sa kanyang biro vs US Pres. Trump
Humingi ng paumanhin ang Hollywood actor na si Johnny Depp dahil sa pagbibiro niya laban kay President Donald Trump.
Sa kanyang statement, sinabi ng 54-year old na “Pirates of the Caribbean” actor na isang masamang biro ang kanyang nagawa.
Nais lamang daw niyang magpatawa at wala namang malisya ang kanyang mga pahayag para makasakit ng tao.
Ginawa ni Depp ang pagbibiro sa pagdalo niya sa Glastonbury Festival noong huwebes, June 22 para sa screen ng 2004 movie niyang “The Libertine.”
Nagkaroon naman ng pagkabahala ang secret service ng White House dahil tila walang umangal sa pahayag ni Depp.
Gayunman, inamin nila na may ginagawa silang hakbang para sa seguridad ng Pangulo ng Amerika pero tumanggi silang ihayag ito sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.