Planong pag-atake sa Grand Mosque sa Mecca, napigilan

By Kabie Aenlle June 24, 2017 - 06:46 AM

 (AP Photo/Mosa’ab Elshamy)

Matagumpay na napigilan ng Saudi security forces ang planong suicide attack sa Grand Mosque sa Mecca.

Nagawa ito ng mga otoridad matapos nilang salakayin sa isang apartment ang magsisilbi sanang attacker, kung saan pinasabog niya rin ang kaniyang sarili.

Ayon sa Interior Ministry, tatlong grupo ang nagplano ng pag-atake sa mga dadagsa sa mosque ngayong papatapos na ang Ramadan.

Nakipagpalitan muna ng putok ang suspek sa mga otoridad na lumusob sa kaniya sa isang tahanan sa central Mecca, malapit sa mosque.

Nang ma-trap na siya ng mga otoridad, doon na nagpasabog ang suspek, dahilan para gumuho ang gusali at ikasugat ng anim na foreigners at limang miyembro ng security forces.

Bago ang engkwentrong ito, napatay rin ng mga otoridad ang isang wanted na lalaki at isa pang hinihinalang Islamist militant sa isa ring hinihinalang hideout sa Mecca.

Limang hinihinalang militante ang naaresto kabilang na ang isang babae.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.