Halos 30, patay sa magkakahiwalay na pagpapasabog sa Pakistan

By Dona Dominguez-Cargullo, Kabie Aenlle June 24, 2017 - 05:14 AM

Hindi bababa sa 15 katao ang nasawi sa dalawang magkasunod na pagsabog sa bayan ng Parachinar sa Pakistan, Biyernes ng gabi.

Magkasunod ang nangyaring dalawang pagsabog sa isang palengke, na may tatlong minuto lamang na pagitan, ayon sa senior government official na si Wazir Khan Wazir.

Maraming tao sa palengke kung saan naganap ang mga pagsabog dahil nagsisibilihan na sila para sa iftar o ang kanilang pagkain sa gabi matapos ang kanilang daily fast tuwing buwan ng Ramadan na malapit nang matapos.

Bago ang nasabing magkasunod na pagsabog, isang sasakyan naman na iinspeksyunin ng mga pulis sa isang checkpoint sa Quetta ang sumabog din.

Hindi bababa sa 13 ang nasawi sa naturang pagsabog kabilang na ang pitong pulis, habang sugatan naman ang 19 iba pa.

Inako ng Islamic State group ang pagsabog sa Quetta, ngunit wala pang grupo ang umaako sa mga pagsabog sa Parachinar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.