May banta ng terorismo sa buong rehiyon ng Asya ayon sa Australian Government
Tinanggap ng Pilipinas ang alok ng Australia na dalawang aircraft nito bilang suporta sa militar sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.
Sa pahayag ng Australian Government, sinabi nitong sinusportahan nila ang Pilipinas sa laban sa terorismo dahil maituturing itong banta sa buong rehiyon ng Asya.
Ayon kay Australian Minister for Defence Senator Marise Payne ipagagamit nila sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Australian Defence Force AP-3C Orion aircraft para magamit sa surveillance support.
Kinondena rin ng Australia ang pag-atake ng Daesh inspired groups sa Marawi City at sinabing ang banta ng terorismo sa rehiyon ay may direktang epekto at banta sa Australia.
“The regional threat from terrorism, in particular from Daesh and foreign fighters, is a direct threat to Australia and our interests. Australia will continue to work with our partners in South East Asia to counter it,” Ayon kay Payne.
Kinumpirma ni Payne na nakausap niya kamakailan si Defense Secretary Delfin Lorenzana at doon nga niya inialok ang tulong ng Australia sa Pilipinas.
Sinabi ni Payne na kinakailangan magtulong-tulong ng mga bansa para malabanan ang paghahasik ng terorismo sa rehiyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.