North Korea, naglunsand ng rocket engine test
Nagsagawa ng rocket engine test ang North Korea sa bahagi ng Yun Song City kung saan isinasagawa din ang mga nagdaang missile launch.
Ang ginawang test na ito ng North Korea ay pinaniniwalaang bahagi ng kanilang layunin na makabuo ng intercontinental ballistic missile.
Ayon sa isang US official, ang test na ito ay simula pa lamang ng serye ng engine at missile test na gagawin ng north Korea ngayong taon.
Noong Marso, tatlong beses na nagsagawa ang North Korea ng parehong rocket engine test.
Sinabi ni Mike Elleman ng International Institute for Strategic Studies, posibleng nagsisimula na ang North Korea na mag-produce ng mga bagong rocket engine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.