Bukas ang Light Rail Transit (LRT) 1 sa partnership kasama ang ilang pribadong kumpanya para tumaas ang kanilang kita at mapabuti ang kanilang operasyon sa mga istasyon.
Una ang Coca Cola sa makakasosyo ng LRT 1.
Lalagyan ng dekorasyon ng mga bote ng Coke at ng kilalang puti at pulang kulay ng nasabing produkto.
Ayon kay Light Rail Manila Corporation President at Chief Executive Officer Rogelio Singson, inaasahan nila na magkakaroon ng 30 porsyentong pagtaas sa kita ng LRT 1 na gagamitin naman nila para sa pagsasa-ayos ng mag istasyon nito.
Ang kagandahan ng pakikipagsosyo sa mga pribadong kumpanya aniya ay hindi madadagdagan ang pasahe para sa pagsasaayos nila ng nasabing pampublikong sakayan.
Sinabi ni Singson na bago pa man ang pakikipagsosyo sa Coke ay mayroon na silang ginagawa para isaayos ang operasyon ng nasabing rail system.
Target rin ng pamunuan ng LRT na mapabilis ang takbo ng kanilang mga tren para sa ikagiginhawa ng mga pasahero nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.