Imbestigasyon sa Mayor Espinosa killing, binabalak buksang muli sa Senado

By Mariel Cruz June 22, 2017 - 04:29 AM

 

Pinag-iisipan ni Senate Pres. Koko Pimentel na muling buksan ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Ito ay matapos ibaba ng Department of Justice ang mga kaso laban sa mga pulis na inaakusahang pumatay sa alkalde sa loob mismo ng kanyang kulungan.

Ayon kay Pimentel, ang pinaka-mabisang paraan para pumasok ulit sa kaso ang Senado ay ang muling pagbubukas ng imbestigasyon.

Maliban dito, sinabi din ni Pimentel na hihiling sila ng kopya ng counter-affidavits o anumang papel o dokumento na inihain ng mga respondent.

Si Espinosa ang itinuturong protektor ng druglord sa Eastern Visayas at kanyang anak na si Kerwin.

Binaril hanggang sa mapatay sina Espinosa at kapwa inmate na si Raul Yap ng mga pulis na pinangungunahan ni Supt. Marvin Marcos habang nagsasagawa ng search operation sa loob ng kanilang selda.

Pero batay sa report ng National Bureau of Investigation at ng dalawang Senate panels, “premeditated” ang pagkakapatay kay Espinosa.

Kamakailan ay ibinaba ng DOJ ang kaso ng labing siyam na akusadong pulis, mula murder patungong homicide, na isang bailable offense, at ngayon ay pansamantala nang nakalaya ang mga ito matapos magbayad ng piyansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.