31 bihag ng BIFF sa Pigkawayan, North Cotabato laya na

By Chona Yu June 22, 2017 - 04:31 AM

 

Nakalaya na sa kamay ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasa 31 sibilyan na una nang binihag ng mga ito sa kanilang pagsalakay sa bayan ng Pigkawayan, North Cotabato.

Kinumpirma ni 6th Infantry Division spokesman Capt. Arvin Encinas, nakalaya ang mga residente dakong alas 6:00 ng gabi ng Miyerkules.

Ang mga residente ay naipit makaraang pasukin ng BIFF ang Malagkit elementary school at detachment ng barangay peacekeeper action team sa bayan ng Pigkawayan, Miyerkules ng umaga.

Paliwanag ni Encinas, habang papalapit ang tropa ng militar sa eskwelahan, humanap ng tyempo ang mga miyenbro ng BIFF at tuluyang umatras at iniwan na lamang ang mga hostages.

Sa ngayon, ayon kay Encinas ay wala nang hawak na bihag ang BIFF.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.