Mga sugatang sundalo isinakay sa presidential plane

By Justinne Punsalang June 21, 2017 - 03:53 PM

PCOO

Isinabay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang siyam na sugatang sundalo sa presidential plane papuntang Maynila mula sa Cagayan de Oro City.

Binisita ng pangulo ang mga tropa ng militar sa Camp Evangelista sa naturang lungsod kahapon at ng siya nga’y pabalik na sa Maynila ay isinabay niya ang mga sugatang sundalo.

Sumakay pa sa ambulansyang magdadala sa mga sundalo sa paliparan ang pangulo, bago sila lahat sumakay sa Fokker F-28 presidential plane.

Nagpahayag din ng kalungkutan ang pangulo sa pagkamatay ng mga sundalo sa halos ay isang buwan nang bakbakan sa Marawi City

May kabuuang 360 ang namatay sa sagupaan sa pagitan ng gobyerno at Maute group kung saan ay 66 dito ang mga sundae at pulis, 26 ang sibilyan at 268 dito ang mga miyembro ng Maute at Abu Sayyaf Group.

 

PCOO

TAGS: AFP, Cagayan De Oro, duterte f28, marawi, AFP, Cagayan De Oro, duterte f28, marawi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.