Panukalang national ID system muling binuhay sa Senado
Muling nabuhay ang mga panawagan para sa pagkakaroon ng national identification system kasunod ng paghahasik ng kaguluhan ng mga miyembro ng Maute terror group sa Marawi City.
Ito ay kasunod ng mga impormasyon na ilan sa mga miyembro ng Maute ang gumagamit ng pekeng ID upang makatakas sa mga otoridad.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, pangunahing layunin ng national ID system ang pagpigil sa kriminalidad, terorismo at rebelyon.
Bukod dito, malaking tulong umano ang national ID system para sa epektibong pagpapatupad ng mga social services at tax collection idagdag mo pa ang mas mabilis na mga transaksyon sa pamahalaan at sa private entities.
Giit ng senador, Pilipinas na lamang ang natitirang developing country na walang national ID system.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.