Mahigit 8,000 family food packs ibiniyahe patungong Iligan City

By Dona Dominguez-Cargullo June 20, 2017 - 09:13 AM

DSWD PHOTO

Bumiyahe na patungong Iligan City ang mga truck na naglalaman ng 8,400 na family food packs.

Ang nasabing food packs ay inihanda sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) center sa Cebu.

Tuloy-tuloy din ang pagsaayos ng food packs sa DSWD-Region 7, para dahil sa Iligan City at maipamigay sa mga pamilyang apektado ng bakbakan sa Marawi City.

Ngayong araw na ito, panibagong batch ng food packs ang isasakay sa mga truck para madala sa evacuation centers.

Sa pinakahulung datos ng DSWD, mahigit 69,900 na pamilya o mahigit 338,000 na katao ang displaced bunsod ng bakbakan sa Marawi City.

Sa nasabing bilang, mahigit 17,000 na katao ang nasa mga evacuation centers habang mahigit 290,000 naman ang nakikita sa kaanak o kaibigan.

 

 

 

TAGS: dswd, evacuation centers, Marawi City, relief, truck, dswd, evacuation centers, Marawi City, relief, truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.