Hindi lamang ang Maute group, Abu Sayyaf at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang nag-operate at nanggugulo sa Mindanao.
Sa pagsisiwalat ni Solicitor General Jose Calida, nasa 20 pang mga terrorist organizations na may koneksyon sa Islamic State ang nakakalat sa rehiyon at nagbabanta sa seguridad sa naturang rehiyon.
Sa kanyang 85-pahinang memorandum na isinumite sa Korte Suprema kaugnay ng pagdepensa ng gobyerno sa martial law declaration, tinukoy ni Calida ang mga grupong gumagalaw sa Mindanao.
Ito ang:
1. Ansar Dawiah Fi Filibbin
2. Rajah Solaiman Islamic Movement
3. Al Harakatul Islamiyah Battalion
4. Jama’at Ansar Khilafa
5. Ansharul Khilafah Philippines Battalion
6. Bangsamoro Justice Movement
7. Khilafah Islamiya Mindanao
8. Abu Sayyaf Group (Sulu faction)
9. Syuful Khilafa Fi Luzon
10. Ma’rakah Al-Ansar Battalion
11. Dawla Islamiyyah Cotabato
12. Dawlat Al Islamiyah Waliyatul Masrik
13. Ansar Al-Shariyah Battalion
14. Jamaah al-Tawhid wal Jihad Philippines
15. Abu Dujanah Battalion
16. Abu Khubayn Battalion
17. Jundallah Battalion
18. Abu Sadr Battalion
19. Jamaah Al Muhajirin wal Anshor
20. Balik-Islam Group
Ipinaliwanag ni Calida na ilan sa mga grupo ay nakapaglunsad na ng mga pag-atake sa mga lalawigan ng Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga at maging sa Davao.
Sa katunayan aniya, nasa 43 nang mga insidente ng pag-atake ang pinasimunuan ng ilan sa mga grupo na karamihan ay pagpapasabog ng mga improvised explosive device o IED.
Layunin aniya ng mga ito na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas at ituring itong isang hiwalay na estado.
Dahil aniya sa mga pagsalakay ng mga ito sa ibang bahagi ng Mindanao, ay nalalagay sa alanganin ang seguridad ng bansa, kaya’t nararapat lamang ang deklarasyon ng martial law sa buong rehiyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.